Hinimok ng Philippine National Police ang mga may-ari ng night markets at mga tiangge na mahigpit na ipatupad ang minimum health protocols kontra COVID-19.
Dapat rin aniyang maglagay ng mga pasilidad ang mga may-ari ng naturang mga establisyimento upang matiyak na nasusunod ang health protocols.
Sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos na maglalabas ng guidelines ang Inter-Agency Task Force kaugnay sa operasyon ng night markets at mga tiangge.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico