Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na makibahagi sa isasagawang halalan sa Lunes, Mayo 13.
Kasabay nito, pinaalalahanan ng pambansang pulisya ang lahat na maging alerto at manatiling mapagmatiyag laban sa mga posibleng manggugulo sa araw ng eleksyon.
PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, sakaling may mapansin na mga kahina-hinalang tao o gawain, agad na ipagbigay alam sa kandila.
Nagpaalalala rin si Banac laban sa mga insidente ng pagbili ng boto, patuloy na pag-iral ng gun ban gayundin ng aarangkadang liquor ban simula hating gabi ng Mayo 12.
Una nang tiniyak ng PNP na isang daang porsyento na silang nakahanda para sa gaganaping halalan sa Lunes.
“Paalala din natin sa lahat bawal po ang mamili ng boto at pagka-tayo ay nahuli at nareklamo tiyak sa presinto ang bagsak mo. Kaya huwag natin gawin yan sumunod tayo sa batas sa ilalim ng eleksyon mayroon tayo patuloy na gun ban na ipinatutupad natin. At sa darating na May 12 magpapatupad tayo ng liquor ban hanggang sa May 13. So ayun po yung patuloy na ipinapaalala sa ating mga kababayan na gawin nating maayos at mapayapa ang halalan sa May 13.” Pahayag ni Banac.