Nagsagawa ng one time, bigtime operations ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at Land Transportation Office (LTO) sa EDSA-Ayala at Mckinley Hill sa Makati City laban sa mga iligal na gumagamit ng mga sirena at blinkers.
Pinagbabaklas ng mekaniko ng LTO ang mga blinker at serena na nakakabit sa animnaput limang sasakyang nasita sa nabanggit na lugar.
Hindi rin nakalusot sa inspeksiyon ang mga sasakyan sa bahagi ng Solaire at Mall of Asia sa Pasay City maging sa Coastal Road at Roxas Blvd.
Nabatid na ilan sa mga driver ng sasakyan na nahuli ay nagpakilalang driver ng isang secretary at senador pero hindi pa rin nakalusot ang mga ito sa mga otoridad.
Ayon sa PNP-HPG, kabilang sa mga nakumpiska ang animnaput isang blinkers, 4 na sirena habang tatlumput apat naman ang tinicketan.
Dahil dito, nagpaalala ang mga otoridad na mga marked vehicles ng pamahalaan tulad ng pnp na naka-duty, ambulansya, truck ng bumbero, mga sasakyang ginagamit sa emergency response at iba pang mga nagpapatupad ng batas ang pinapayagan lamang na gumamit ng mga serena at blinkers.