Maari nang i-deploy ng Philippine National Police- Highway Patrol Group ang mga traffic constable ng Metropolitan Manila Development Authority.
Ayon kay HPG Dir. Chief Supt. Arnold Gunnacao, ito ay dahil ibinigay na sa kanya ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang operational control sa ilang tauhan ng MMDA.
Sinabi ni Gunnacao na tutulong na din ang mga kawani ng MMDA sa pagmamando ng daloy ng trapiko sa 6 na chokepoints sa EDSA.
By: Katrina Valle | Jonathan Andal