Iginiit ni Philippine National Police Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez na hindi mga magician o salamangkero ang PNP-Highway Patrol Group na may kapangyarihang pagaanin agad ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.
Aniya, walang dalang magic solution ang mga miyembro ng HPG para sa matinding problema sa trapik sa naturang lugar.
Sa katunayan, inamin ni Marquez na nagdalawang-isip pa siya noon nang ilapit sa kanya ni pangulong Noynoy Aquino ang bagong responsibilidad ng pagmamando ng trapiko sa kalsada.
Umapela naman si Marquez sa publiko ng kooperasyon at partisipasyon upang maibalik ang disiplina sa EDSA.
By: Jelbert Perdez | Jonathan Andal