Binigyan ng warning ng Philippine National Police-Highway Patrol Group ang isang jeepney driver sa Caloocan City na hindi pa nakakakumpleto ng COVID-19 vaccine.
Sa isinagawang inspeksyon ng PNP-HPG, nabatid sa vaccination card ng jeepney driver na si Victor Alcantara, na isang dose pa lamang ang natanggap nito.
Maliban dito, may sakay din itong isang pasahero na naka-isang dose pa lamang ng bakuna na agad na pinababa.
Pinagsabihan ng mga otoridad si Alcantara na magpabakuna na ng ikalawang dose, gayundin ang pasahero nito.
Sinabi naman ng hepe ng PNP-HPG National Capital Region na si Police Lieutenant Colonel Joel Mendoza na hindi muna titiketan ngayong linggo ang mga lalabag sa naturang polisiya.