Pinaghahandaan na ng PNP Highway Patrol Group ang pagbabalik nila sa EDSA.
Ayon kay HPG Director PCSupt. Roberto Fajardo, nakikipag ugnayan na sila kay Land Transportation Office Chief Edgar Galvante para i-deputized sila o bigyan ng kapangyarihan na matiketan ang mga lalabag sa batas trapiko.
Isasailalim naman anya sa masusing pagsasanay ang mga tauhan ng HPG na itatalaga sa EDSA.
Tiniyak naman ni Fajardo na masisibak sa serbisyo ang sinumang HPG personnel na aabuso sa kapangyarihan at mangongotong sa kalsada.
Giit ni Fajardo, gusto nilang makatulong sa pagpapagaan ng daloy ng trapiko sa Metro Manila lalot ang dapat anya’y 140,000 lang na sasakyan kada araw sa EDSA, dumoble na ngayon sa 360,000.