Kasado na ang ipatutupad na contingency measure ng PNP-Highway Patrol Group (HGP) ngayong Undas.
Ayon kay PNP-HPG Director Police/Brig. Gen. Dionardo Carlos, makikipagpulong sila sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga stake holder para balangkasin ang mga solusyon na maaaring makatulong para mapaluwag ang daloy ng trapiko partikular sa EDSA.
Gayundin ang mga ilalatag na mga hakbang para sa susunod na tatlong buwan o simula ngayong Undas hanggang panahon ng kapaskuhan.
Pagtitiyak naman ni Carlos, mararamdaman ng publiko ang kanilang kaligtasan sa biyahe pauwi ng mga lalawigan dahil sa mas pinaigting na police visibility sa mga matataong lugar tulad ng mga sementeryo, terminal ng bus, simbahan, mga pantalan, malls at iba pa. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)