Nagsagawa ng inspeksyon ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa lahat ng sasakyang nakaparada sa loob ng Camp Crame.
Ito’y para matiyak na naka-rehistro at walang recovered carnap vehicle sa loob ng Kampo.
Ayon kay HPG Dir. P/BGen. Eliseo Cruz, kasama sa mga ininspeksyon din ang mga sasakyan na nasa parking area ng mga residential unit sa loob ng kampo.
Mabilis naman kasi aniya nilang matutukoy kung nakaw o hindi ang isang sasakyan dahil sa kanilang data base.
Magugunitang pinaghigpitan ni PNP Chief P/Gen. Camilo Cascolan ang pagbabawal sa paggamit ng mga pulis ng mga narekober na carnap na sasakyan at mga sasakyang impounded bilang ebidensya na nasa kustodiya ng PNP.