Umabot na sa isang libo at pitong daang motorista ang nasita ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) dahil sa paggamit ng sirena at blinker.
Kabilang dito ang mga sibilyan, tauhan ng gobyerno at iba pang gumagamit ng plakang 7 at 8.
Kaugnay nito, puspusan pa rin ang mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad sa mga hindi orotisadong motorista na gumagamit ng sirena, blinker at iba pang signaling device.
Magugunitang kamakailan lamang ay pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang Administrative Order no. 18 na nagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na gumamit ng wangwang, blinkers at iba pang kahalintulad na signaling o flashing devices. – Maianne Dae Palma