Pinaplano na ng PNP Highway Patrol Group (HPG) ang tuloy-tuloy na pagsasagawa at paglalatag ng checkpoints sa loob ng 24 oras sa nalalabing mga araw ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay HPG Chief Brig. General Elisio Cruz, layunin nitong mas mapaigting pa ang kanilang pagbabantay laban sa mga pasaway na hindi otorisado para bumiyahe sa gitna ng ECQ.
Iginiit ni Cruz, tanging ang mga health workers, emergency frontliners, pulis, militar at mga nabibigay ng basic goods at services lamang ang hindi sakop ng travel restrictions.
Dagdag ni Cruz, naghahanap na sila ng strategic na lokasyon para sa kanilang 24/7 mobile checkpoint operation.
Batay sa datos ng HPG, umabo sa 65 lumabag na motorista ang kanilang tinekitan.