Binulabog ng sunod-sunod na pagsabog ang provincial headquarters ng PNP sa Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Senior Superintendent Agustin Tello, pinasabugan ng limang rounds ng M-203 Grenade Launcher ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters naturang punong himpilan.
Sugatan naman pagsabog ang 70 taong gulang na lalaki na si Bualan Munib matapos tamaan ng shrapnel sa mukha.
Nasa ligtas nang kalagayan ngayon ang sugatang sibilyan habang tinutugis na ng mga otoridad ang mga bandidong responsable sa naturang pag-atake.
By: Meann Tanbio / Ralph Obina