Humiling ng dagdag na pondo ang Philippine National Police (PNP) upang suportahan ang pagbili ng mga body cameras na gagamitin sa operasyon ng mga pulis.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, nangangailangan pa ang kanilang ahensya ng mahigit 248-B budget para sa 32 unit ng body-worn cameras.
Sa ngayon, hinihintay nalang ng PNP na maaprubahan ang kanilang hiling sa Senate Finance Committee. —sa panulat ni Angelica Doctolero