Humingi ng dagdag na panahon ang PNP IAS o Internal Affairs Service para kumpletuhin ang kanilang ginawang pagsisiyasat.
Kaugnay ito sa madugong operasyon ng pulisya sa tahanan ng mga Parojinog sa Ozamiz City kung saan napatay si Mayor Reynaldo Parojinog, asawa nitong si Susan at 14 na iba pa.
Ayon kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfergar Tirambulo, kinukuhanan na nila ng salaysay ang mga testigo maging ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon.
Kasunod nito, inatasan na rin ni Triambulo ang kanilang Regional Director sa Northern Mindanao para magtakda ng timeline lalo’t may nakabinbin nang resolusyon sa Senado para magsagawa ng imbestigasyon hinggil dito.