Pirma na lang ni Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen. Dionardo Carlos ang hinihintay upang ganap nang maalis sa serbisyo ang 8 tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group – Anti Organized Crime Unit.
Ito’y makaraang irekumenda ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang dissmissal o pagsibak sa serbisyo sa naturang mga Pulis matapos mapatunayan na ninakawan nga nila ang isang Chinese National sa Brgy. Balibago, Angeles City nuong Enero 26.
Ayon kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, lumabas sa kanilang imbestigasyon na iligal ang operasyon ng naturang mga Pulis at tanging intensyon nito ay magnakaw.
Kahapon, naisumite na ng IAS sa tanggapan ng PNP Chief ang kanilang rekumendasyon laban kina P/Maj. Ferdinand Mendoza, P/SSgt. Mark Anthony Iral, P/SSgt. Sanny Alicante, P/Cpl. John Gervic Fajardo, P/Cpl. Kenneth Rheiner Delfin, Pat. Leandro Mangale at Pat. Hermogines Rosario Jr. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)