Isasailalim sa “lifestyle check” ng PNP o Philippine National Police-Internal Affairs Service ang mga pulis na sangkot sa iba’t ibang illegal na aktibidad.
Ito ay bilang bahagi pa rin ng patuloy na paglilinis ng PNP sa kanilang hanay.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo, nakikipag-ugnayan na sila sa iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Office of the Ombudsman, Bureau of Internal Revenue at Land Registration Authority para sa isasagawang imbestigasyon laban sa mga police scalawags.
Sakop ng “lifestyle investigation” ang mga dati at kasalukuyang aktibidad ng mga pulis maging ang kanilang mga asawa at kamag-anak.