Sinusuyod na ng PNP-Internal Affairs Service ang buong Caloocan City para imbestigahan ang alegasyong magkasama sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman bago nawala ang mga ito.
Ayon kay PNP-IAS Inspector-General, Atty. Alfegar Triambulo, nagsasagawa na sila ng “environmental scanning” kung saan pinupuntahan na nila ang lahat ng presinto at barangay sa Caloocan maging ang tanggapan ng DSWD.
Sinusuri anya nila ang mga dokumento sa bawat pinupuntahang opisina upang matukoy na rin kung may sangkot na pulis sa pagkawala ni Kulot.
Sa ngayon ay gumugulong na ang pre-charge investigation sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Carl at may mga hawak na rin silang testigo na tumutugma ang mga testimonya sa salaysay ng taxi driver na hinold-up umano ni Arnaiz.
Ulat ni Jonathan Andal
SMW: RPE