Nagsasagawa na ng Moto Propio Investigation ang PNP-IAS o Internal Affairs Service hinggil sa raid operations sa bahay ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, Sr.
Ipinabatid ito ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kasunod nang pagkakapaslang sa 15 katao kabilang ang alkalde sa nasabing operasyon.
Sinabi ni Dela Rosa na mananatiling naka-duty ang mga pulis na kasama sa raid maliban na lamang kung may makikitang probable cause para sampahan ng reklamo ang mga ito.
Kinumpirma naman ni IAS Inspector General Alfegar Triambulo ang ginagawa nilang imbestigasyon simula pa noong nangyari ang insidente noong Linggo.
Ayon kay Triambulo pinagsusumite na niya ng report si IAS Region 10 Director Senior Supt Gerry Galvan hinggil sa nasabing insidente.
By Judith Larino