Ibibigay ng Philippine National Police o PNP ang nararapat na paggalang kay Vice President Leni Robredo bilang drug czar.
Tiniyak ito ni PNP Spokesman Police Brigadier General Bernard Banac na nagsabing tatalima lamang ang PNP sa ano mang magiging utos ng punong ehekutibo bilang commander on chief.
Sinabi ni Banac na magandang pagkakataon ito lalo’t ramdam naman ng publiko na matagumay ang kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.
Welcome naman sa PDEA ang appointment ni Robredo.
Ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino, chairperson ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.
Tiwala aniya silang malaki ang mai-a-ambag ni Robredo sa adbokasiya ng gobyerno na supilin ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa. — ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9).