Inirerespeto ni acting PNP Chief Lt. Gen. Archie Gamboa ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipa ayos at pamunuan pansamantala ni DILG Secretary Eduardo Año, ang Phil National Police.
Ayon kay Brig. General Bernard Banac, spokesman ng PNP, full support si Gamboa kay Año ay nag aantay lamang ito ng guidance at instruction kung ano ang gagawing hakbang ng PNP.
Binigyang diin ni Banac na kabisado ni Año ang PNP dahil tumatayo itong chairman ng National Police Commission.
Una nang sinabi ng Pangulong Duterte na ipina uubaya muna nya kay Año ang pamumuno sa PNP habang hindi pa sya nakakapag desisyon kung sino ang permanenteng itatalaga nya bilang PNP Chief kapalit ni retired General Oscar Albayalde.