Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na walang ginagamit na luxury car ang kanilang ahensya.
Ito’y matapos magviral ang isang Toyota Alphard na may logo o sticker ng PNP at kalauna’y napag-alaman na pagmamay-ari ng isang kumpanya na ipinasa sa ibang may-ari.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., hindi gumagamit ng Alphard ang kanilang ahensya dahil tanging Innova, Grandia, commuter van at iba pang utility pick-up ang nasa kanilang inventory na kanilang ginagamit.
Nilinaw ni Azurin, na hindi Pulis ang nagmamaneho o gumagamit ng nag-viral na sasakyan nang maaktuhan ito ng netizen.
Sinabi ni Azurin na patuloy pang nagsasagawa ng backtracking ang mga Pulis upang malaman ang iba pang impormasyon sa sasakyan.
Sa ilalim ng Article 179 ng Revised Penal Code, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng logo ng PNP at ibang ahensya o tanggapan ng gobyerno.