Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez ang apat na heneral ng PNP na nakitang nakipagpulong sa isang staff ni Liberal Party standard bearer at dating DILG Secretary Mar Roxas.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, pagpapaliwanagin nila sina Director Generoso Cerbo Jr., Chief Supt. Renier Idio, Chief Supt. Bernardo Diaz, at Chief Supt. Ronald Santos kung bakit nakita silang kasama ang isa sa mga tauhan ni Roxas na si Thea Reyes sa isang hotel sa Cubao, Quezon City.
Sinasabing namataan din ng mga mamamahayag sa naturang lugar si Retired Police General Marcelo Garbo.
By Jelbert Perdez