Planong imbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhan para malaman kung marami sa mga ito ang nasasangkot sa iligal na droga.
Kasunod ito ng pagkakaaresto ng isang intelligence officer na kinilalang si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo, sa isang big buy-bust operation sa Maynila kung saan, nakumpiska ang 990 kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga sa mahigit 6.7 billion pesos.
Ayon kay PNP Chief Pol. Gen. Rodolfo Azurin Jr., batay sa police records, ibinunyag ni Mayo na siya ay miyembro ng PNP Drug Enforcement Group, pero hindi pa ito nagbibigay ng pahayag.
Iginiit ni Azurin na ito na ang pinakamalaking iligal na droga na nakumpiska ng kanilang ahensya ngayong taon sa gitna ng anti-illegal drug operation.