Inatasan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang Police Regional Office 5 o Bicol Police na tutukan ang imbestigasyon hinggil sa nangyaring pagsabog sa Bicol University – Legazpi campus nitong weekend
Ayon kay Pnp chief P/Gen. Guillermo Eleazar, hindi na dapat maulit pa ang ganitong insidente lalo’t nalalagay sa balag ng alanganin ang seguridad at kaligtasan ng mga residente sa lugar
Bagama’t wala namang ginagawang klase sa naturang pamantasan dulot ng COVID-19 pandemic, binigyang-diin ng PNP chief na hindi pa rin ito maaaring gamiting dahilan para maging kampante
Alas-6:30 ng gabi nitong linggo nang mangyari ang pagsabog sa naturang pamantasan na nasa harap lamang ng Camp Simeon Ola na regional headquarters ng Bicol PNP kaya’t mabilis itong narespondehan.
Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa naturang insidente, subalit umaapela si Eleazar sa mga nakatira malapit sa lugar na makipag-ugnayan lamang sa awtoridad kung may hawak silang mahahalagang impormasyon para sa mabilis na ikalulutas ng kaso.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)