Ikinalugod ng Philippine National Police (PNP) ang muling pagbabalik operasyon ng Small Town Lottery (STL).
Ito’y makarang alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon ng operasyon ng STL.
Ayon kay Brig. Gen. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, maganda na muli nang naibalik ang operasyon ng STL dahil mas madali na nilang mamomonitor ang lahat ng operasyon at hindi na tila makikiapagtaguan pa sa mga illegal na aktibidad sa lipunan.
Ayon kay Banac, maganda na muling naibalik ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) dahil monitored na ng PNP ang lahat ng operasyon at hindi na maghahanapan pa ng mga illegal activities.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 22, 2019
Makabubuti rin aniya ito para sa mga empleyadong nawalan ng hanap-buhay sa pagkakahinto ng operasyon ng STL dahil hindi na sila matutuksong umanib pa sa mga illegal numbers game upang magkaroon ng mapagkakakitaan.
Samantala, tiniyak naman ni Banac na hindi sila titigil sa pagmamanman sa mga tiwaling operators na maaaring gamitin ang pagkakataong ito upang sabayan ang muling pagbabalik ng operasyon ng STL.
Banac: Hindi pa rin tayo titigil sa pagmamanman sa mga tiwaling operators na maaaring sabayan ang muling pagbabalik-operasyon ng STL.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 22, 2019
Ratsada Balita Interview