Ilulunsad na ng Philippine National Police (PNP) ang crackdown sa E-sabong operations alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang naturang sugal.
Ayon kay PNP-PIO Chief, BGEN. Roderick Augustus Alba, sisimulan nila ito oras matanggap ang official order.
Ibinase ang desisyon ng pangulo sa rekomendasyon ni DILG Secretary Eduardo Año.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Philippine Amusement and Gaming Corporation para tuluyang ipahinto ang operasyon ng E-sabong.