Pumalag si Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa pahayag ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na hindi epektibo ang “war on drugs” ng administrasying Duterte.
Kasunod ito ng mga kaso ng pagpatay at panggagahasa sa Rizal at Bataan noong nakalipas na mga linggo.
Ayon kay Dela Rosa, bumalik na lamang ang mga rapist at drug addict mula nang mawala sa PNP ang kapangyarihan sa kampanya kontra iligal na droga.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay inalis ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP sa frontline ng war on drugs at ipinaubaya ang pamumuno nito sa Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA.