Walang natatanggap na anumang impormasyon ang Philippine National Police kaugnay sa pagbabalik sa kalsada ng grupo ng INC o Iglesia Ni Cristo.
Ipinabatid ito ni PNP Spokesman Chief Supt Wilben Mayor matapos ihayag nang tiniwalag na ministro ng inc na si Lowell Menorca na balak magpakita ng puwersa muli ng relihiyon.
Sinabi ni Mayor na nakahanda naman sila sa anumang kaganapan, kahit undas o sa linggo ng APEC meeting.
By: Judith Larino I Jonathan Andal