Aminado ang Pambansang Pulisya na hindi nila kilala ang kanilang impormante na nagturo ng kinaroroonan ng magkapatid na Joel at Mario Reyes.
Ayon sa PNP, hindi nila personal na nakilala ang impormante, dahil sa telepono lamang nila ito nakausap, bago ang kanilang operasyon.
Tiniyak din ng PNP na kapag mayroong nag-claim sa P4 na milyong pisong reward, kaugnay sa pagkakadakip sa magkapatid, kanilang bubusisiin ang pagkakakilanlan nito.
By Katrina Valle | Jonathan Andal