Aminado ang Philippine National Police na tumaas ang kaso ng kidnapping ngayong taon.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Jean Fajardo, umabot na sa 13 ang kaso ng kidnapping sa loob lamang ng unang apat na buwan ng taon kung saan walo sa mga ito ay Chinese nationals.
Sinabi ni Brig. Gen. Fajardo na mas malaki ang bilang na ito dahil apat na buwan pa lang ang nakakalipas ngayong 2025 at mayroong pang walong buwan ang natitira.
Batay sa datos ng PNP, noong 2023, pumalo sa dalawampu’t anim ang kaso ng kidnapping; habang noong 2024 naman ay sumirit ito sa tatlumpu’t dalawang kaso.
Isa sa mga nakikitang dahilan ng pambansang pulisya sa pagtaas ng kaso ng kidnapping ngayong taon ay ang pagsasara ng mga pogo kung saan posibleng lumipat ang ilang tiwaling Chinese national sa kidnapping para mabawi ang kanilang perang nalugi mula sa pag-invest sa POGO.—sa panulat ni John Riz Calata