Inihayag ng Philippine National Police (PNP) ang pakikiisa nito sa pagkontra ng pagkalat ng dengue sa bansa.
Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac naglabas na ng direktiba si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde sa PNP health service para sa paghahanda ng kanilang hanay.
Inatasan umano ni Albayalde ang mga nasa health service na makipag ugnayan sa mga lokal na ospital sa iba’t ibang rehiyon para maitaas ang kamalayan laban sa sakit.
Nais din matiyak ng opisyal ang lagay ng kalusugan ng mga pulis at kani-kanilang pamilya.
Kasabay nito, ipinabatid ni Banac na naghahanda na rin ang PNP sa pagdo-donate ng dugo sa mga pasyenteng apektado ng dengue.