Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na asahan na ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran sa apat na lalawigan na nasa ilalim ng alert level 4.
Ayon sa PNP, isinailalim ang mga lalawigan ng Kalinga, Ifugao, Mountain Province, at Northern Samar sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Sinabi rin ng PNP, na ipinagbabawal ang mga panloob na atraksyong panturista.
Dadag pa ng ahensya, na ang dining-in sa mga establisyimento ay papayagan, ngunit dapat na limitado sa 10% kapasidad para sa panloob at 30% para sa al fresco. Kung saan, tanging mga nabakunahan lamang ang papayagang maka-avail ng indoor dining.
Samantala, inaasahan ng PNP ang mga Local Government Units (LGUs) na maglalabas ng mga utos na maglalatag ng mga alituntunin. —sa panulat ni Kim Gomez