Inihayag ng Philippine National Police o PNP na sinusunod nito ang human rights protocols kaugnay ng pananatili sa kulungan ni Sen. Leila De Lima.
Ang pahayag ay ginawa ng PNP kasunod ng panawagan ng Commission on Human Rights o CHR laban sa umano’y “unfair treatment” na nararanasan ni De Lima.
Subalit, ayon kay Chief Supt. Dennis Siervo, head ng PNP Human Rights Affairs Office o HRAO, base sa ginawa nilang inspeksyon ay kuntento si De Lima sa kasalukuyang lagay ng custodial facility at pagtrato sa kanya ng mga nakatalagang custodial officers.
Magugunitang si De Lima ay nakadetine sa PNP Custodial Center sa Camp Crame simula pa noong February 2017 dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.