Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang paglantad ng umano’y isang police asset na nagsabing hindi totoong nanlalaban sa mga pulis ang mga napapatay na drug pusher.
Ayon kay PNP Spokesperson Sr./Supt. Dionardo Carlos, iniimbestigahan ng PNP ang mga mali at iregularidad sa mga lehitimong operasyon.
Reaksyon ito ni Carlos sa paglantad kahapon ng isang nagpakilalang police asset at nagsiwalat na walang katotohanan na nanlalaban ng mga drug pusher na napapatay ng PNP.
Inanyayahan din ni Carlos ang lahat ng may reklamo sa kanilang ginagawang anti-drug operation na maghain ng pormal na reklamo sa PNP.
Bahagi ng pahayag ni PNP Spokesman Dionardo Carlos
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas