Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang nangyaring pamamaslang sa dating chief of police ng Jolo, Sulu na si P/Capt. Walter Annayo.
Nahaharap si Annayo sa mga kasong may kaugnayan sa pagkamatay ng apat na sundalo sa kamay ng pulisya sa Jolo nuong Hunyo.
Ayon kay pnp spokesman P/Bgen. Ildebrandi Usana, may ibinaba nang utos si PNP Chief P/Gen. Debold Sinas kay bangsamoro Autonomous Regional Police Director P/BGen. Samuel Rodriguez para bumuo ng Special Investigation Task Group (SITG) hinggil dito.
Kasabay nito, sinabi ni Usana na inaalam na rin ng mga imbestigador ang posibleng motibo sa nangyaring pagpatay kay Annayo.
Magugunitang nitong Sabado ng hapon, binaril ng mga hindi pa tukoy na salarin si Annayo habang bumibili ng buko sa Maguindanao.