Nangako sa publiko si PBGen. Red Maranan, na kanilang ipagpapatuloy ang magandang performance ng Philippine National Police, kasunod ng 80% trust rating na kanilang nakuha sa ikinasang survey ng OCTA research team.
Sinabi ni General Maranan, na kanilang paiigtingin ang maayos na paglilingkod sa taumbayan at sisiguraduhin ang seguridad at kaligtasan ng bawat mamamayan, upang maibalik ang tiwala ng publiko sa ahensya.
Matatandaang noong March 24 – March 28, nagsagawa ng survey ang OCTA, kung saan walo mula sa kada 10 pilipino ang nagsasabing pinagkakatiwalaan at satisfied sila sa pagganap sa tungkulin ng mga tauhan ng PNP.
Binigyang diin ng opisyal, na ang magandang rating na nakuha ng ahensya, ay bunga ng patuloy na pakikipag ugnayan ng PNP sa mga lokal na komunidad at simbahan para isulong ang peace and order.
Bukod pa dito, buo din ang pagsusumikap at dedikasyon ng pnp na agarang makapag-responde sa mga insidente, madakip ang mga kriminal, at maiwasan ang mga krimen.
Naniniwala si Gen. Maranan na nakatulong sakanila ang patuloy na pagsasanay sa mga miyembro ng pambansang pulisya na nagpahusay sa propesyonalismo ng kanilang mga tauhan.
Aminado naman ang opisyal na malaking hamon para sa PNP, na mapanatili ang magandang performance, para kumbinsihin ang publiko kaugnay sa magandang serbisyo ng ahensya.