Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng bilang ng mga pulis na inirereklamo.
Ayon kay PNP-IMEG Dir. Police Col. Romeo Caramat, bumaba ng 70% ang bilang ng mga pulis na inirereport sa PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG).
Katumbas aniya ito ng dalawampung reklamo kada buwan na mas mababa kumpara sa isandaang reklamo noon na natatanggap ng kanilang tanggapan.
Ibig sabihin umano nito ay nararamadaman na ng mga pulis ang seryosong pagpapatupad ng internal cleansing program ng PNP.
Una rito, iprinisinta sa media ang isang bagitong pulis at traffic enforcer na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangongotong ng isandaang piso araw-araw sa mga truck na walang violation na pumapasok sa construction site sa Dasmariñas Village sa Makati.