Sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos na kinahaharap sa kampanya kontra illegal na droga, ipinagmalaki ngayon ng Philippine National Police o PNP na pagbaba ng kaso ng pagpatay sa buong bansa mula Enero hanggang Agosto ngayong 2017.
Batay sa crime data ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management, bumaba ng 7.98 percent o 554 ang kaso ng murder kumpara sa kaparehong buwan nuong 2016.
Ayon kay DIDM Chief , Police Director Augusto Marquez , nakapagtala ang kanilang tanggapan ng kabuuang 6,391 na kaso ng pagpatay sa unang kalahating buwan ng 2017 kung saan mas mababa ito kumpara sa 6,945 na bilang nuong 2016.
Aniya , ito ay bunsod ng pinaigting na operasyon ng pulisya kontra krimen , kurapsyon at illegal na droga sa bansa.
Base sa pinakahuling record ng gobyerno , aabot na sa 3, 811 na drug personalities ang napapatay sa mga anti – drug operation ng pulisya mula nuong July 1,2016 hanggang August 29 , 2017.
—-