Ipinauubaya na ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) ang pagpapa-imbestiga sa mga Special Action Force (SAF) Commandos na nagbabantay sa NBP o new Bilibid Prison.
Ito ang inihayag ni PNP Spokesman Chief/Supt. Dionardo Carlos, matapos na sabihin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na posibleng may kinalaman ang mga tauhan ng SAF sa panunumbalik ng illegal drug trade sa nasabing piitan.
Ayon kay Carlos hindi muna sila makikialaam at hahayaang lumabas ang katotohan sa gagawing imbestigasyon ng DOJ.
Nasa anim (6) na buwan nang nagbabantay ang SAF sa NBP kaya’t hinala ni Aguirre, masyado nang naging pamilyar ang mga ito sa mga preso doon.
By Krista De Dios | With Report from Jonathan Andal