Inilagay na sa heightened alert status ng PNP ang kanilang unit para sa pagdiriwang ng Feast of the Black Nazarene 2023.
Ayon kay PNP spokesperson Pol. Col. Jean Fajardo, nangangahulugan lamang ito na nagsimula na ang kanilang security coverage kasunod ng pagbabalik ng traslacion sa Maynila partikular na sa paligid ng quirino grandstand at sa Quiapo Church.
Pahayag ni Fajardo, nagdeploy na sila ng mga tauhan sa ilang lugar sa Maynila upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.
Kinumpirma din ng PNP Spokesperson na bahagi ng kanilang paghahanda sa 2023 Feast of the Black Nazarene ang nakitang mga sasakyan ng Pambansang Pulisya sa Camp Crame.