Itinanggi ng PNP na may kaugnayan sa pulitika ang pagkaka aresto kay NDFP Consultant Rafael Baylosis.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa ang pagkaka aresto kay Baylosis ay may kaugnayan sa problema sa insurgency o sa New Peoples Army.
Gayunman inamin ni Dela Rosa na wala namang standing arrest warrant laban kay Baylosis na dinampot dahil sa illegal possession of firearms.
Itinanggi ni Dela Rosa ang akusasyon ng karapatan na ang pag aresto kay Baylosis ay bahagi ng aksyon ng gobyerno na gipitin ang peace consultants matapos bumagsak ang peace talks ng gobyerno at maka kaliwang grupo.