Tali pa sa ngayon ang kamay ng Philippine National Police (PNP) para arestuhin ang mga napalayang bilanggo sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) kahit sentensyado sila ng heinous crimes.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, kailangan nila ng court order para isagawa ito.
Pirmado anya ng hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) ang release order ng mga bilanggo kaya’t walang dahilan para arestuhin ang mga ito sa ngayon.
Gayunman, sinabi ni Albayalde na bagamat hindi sila pwedeng arestuhin, maaari naman imonitor ng PNP ang kanilang mga aktibidad kung magbabalik ang mga ito sa kanilang masamang gawi.