Kailangan ang masigasig na aksiyon ng Philippine National Police para epektibong maipatupad ang smoking bansa mga pampublikong lugar sa bansa.
Inihayag ito ni Health Secretary Paulyn Ubial sa harap na rin ng tila matamlay na implementasyon ng smoking ban sa buong bansa.
Kasama aniya ang mga pulis sa mga dapat magpatupad ng Smoking Ban alinsunod sa nakapaloob sa Executive Order na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa nakalipas na dalawang linggong implementasyon ng Smoking Ban ay tila umano matamlay ang panghuhuli sa mga naninigarilyo sa mga public places dahil marami pa rin ang nakikitang pasaway at wala namang sumisita sa mga ito.