Ipinagharap na ng patumpatong na kaso sa Department of Justice (DOJ) ang alkalde ng Trece Martires, Cavite na si Melandres De Sagun.
Iyan ang inihayag ni Police Regional Office 4-A Director Chief Supt. Eduard Carranza kaugnay sa pagpatay kay Trece Martires Vice Mayor Alex Lubigan noong Hulyo 7.
Ayon kay Carranza, kabilang sa mga kinasuhan ang gunman na kinilalang si Ariel Paiton at Luis Abad na driver ng Hilux na ginamit sa krimen.
Inihayag naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde, kasong murder at frustrated murder ang isinampang kaso laban kay De Sagun gayundin sa iba pang suspek.
Kabilang din sa mga itinurong suspek ang isang barangay chairman gayundin ang konsehal ng Maragondon sa Cavite na si Umbre Arca na tumanggap umano ng P25,000 para idispatsa ang ginamit na sasakyan.
Pinaghahanap na rin ang iba pang kasabwat sa krimen kabilang na ang pitong spotter na ayon kay Carranza ay batay sa salaysay ng mga saksi.
Sinabi pa ni Carranza, classic case ng away pulitika ang lumalabas ngayong motibo sa pagpatay sa bise alkalde batay sa paunang imbestigasyon.
(Ulat ni Jill Resontoc)
PNP files at DOJ murder and frustrated murder(two counts) cases vs Trece Martires Mayor Melandres de Sagun for the killing of V.Mayor Alexander Lubigan -Albayalde @dwiz882pic.twitter.com/ntzDIPew4I
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) September 13, 2018
—-