Kinukunsider pa rin ng PNP na bantayan ang mga aktibidad ng mga Chinese national na nagta-trabaho sa POGO hubs malapit sa mga kampo militar.
Sa gitna na rin ito ng pagkabahala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng magamit sa pag e-espiya ng China ang POGO hubs kayat itinuturing ang mga ito na banta sa seguridad.
Sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na wala pa silang natatanggap na intelligence report na ginagamit nga ng mga Tsino ang POGO para sa kanilang surveillance activities subalit ayaw aniya nilang maging kampante rito.