Kumasa si PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde sa bantang pagdulog sa korte ng mga militante kaugnay sa ikinasang operasyon ng AFP at PNP sa Negros Oriental noong Sabado.
Kahapon ay nasa 50 miyembro ng mga militanteng grupo ang nagrally sa Kampo Crame para kundenahin ang anila’y pagpatay sa 14 na magsasaka at pag aresto sa iba pa na isang uri ng massacre.
Ayon kay Albayalde, naninindigan ang pulisya na lehitimo ang operasyon katuwang ang militar kaya’t buong tapang nila itong sasagutin sa anumang imbestigasyong ipatatawag o kahit sa korte pa kung kailangan.
Una nang sinibak ni Albayalde ang hepe ng Negros Oriental Police na si Col. Raul Tacaca maging ang mga hepe ng municipal police na sina Lt. Col. Patricio Degay ng Canlaon City, Lt. Kevin Roy Mamaraldo ng Manjuyod at Capt. Michael Rubia ng Sta. Catalina.
(with report from Jaymark Dagala)