Nakakalat na ang may 198 mga Pulis para tumulong sa mga sinalanta ng bagyong Agaton sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon kay PNP public Information Office Chief, P/BGen. Roderick Alba, bahagi ito ng kanilang Disaster Response Operational Procedure bago pa man manalasa ang bagyo.
Tumutulong na aniya sila sa mga Lokal na Pamahalaan pagdating sa evacuation partikular sa mga residenteng tukoy na nakatira sa mga tinatawag na geohazard areas.
Kasabay ng pagasasagawa ng rescue operations, sinabi ni Alba na inaalalayan din nila iyong mga naistranded dahil sa matinding baha sa Eastern Visayas at CARAGA region.
Muli namang nanawagan si Alba sa mga apektadong residente na huwag nang matigas ang ulo at sa halip ay makipagtulungan sa mga Pulis upang maiwasan ang anumang pinsala.