Binubuo na ng Philippine National Police o PNP ang guidelines na kanilang pagbabatayan sa pagpapatupad ng unilateral ceasefire sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP–NPA).
Kasunod ito ng ideneklarang Suspension of Military Operations o SOMO ni Pangulong Rodrigo Duterte mula Disyembre 24 hanggang Enero 2 sa susunod na taon.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Superintendent Dionardo Carlos, oras na matapos na nila ang pagbalangkas sa nasabing guidelines ay agad na ipamamahagi ito sa lahat ng istasyon ng pulisya.
Samantala, sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na wala talaga siyang planong irekumenda ang tigil putukan ngayong Kapaskuhan.
Gayunman, nagdeklara na aniya ang Pangulo kaya wala na siyang magagawa kundi sundin at ipatupad ito.