Tiwala ang pambansang pulisya na malakas ang kanilang inihaing kaso laban kay Renato Llenes, ang suspek sa pagpatay sa Grade 9 student na si Christine Lee Silawan na tinadtad ng saksak, binalatan ng mukha at iniwang nakahubad sa bakanteng lote sa Cebu nuong Marso 10.
Kinumpirma kanina ni PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde na nakausap niya ang ina ni Silawan na si Ginang Lourdes kahapon kung saan, idinulog nito ang kaniyang pangamba nang bantaan siya ni Lapu-Lapu City, Cebu Chief of Police Col. Lemuel Obon na kakasuhan ng obstruction of justice dahil sa hindi pakikipag tulungan nito sa imbestigasyon.
WATCH: PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde kinumpirma na nakausap niya ang ina ni Silawan kung saan, idinulog nito ang kaniyang pangamba nang bantaan siya na kakasuhan ng obstruction of justice dahil sa hindi pakikipag-tulungan nito sa imbestigasyon. | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/bWBnrYPuhL
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 26, 2019
Kabilang sa mga hawak na ebidensya ng pulisya ayon sa PNP Chief ay ang Gunting na ginamit sa pagpatay kay Christine Lee dahil sa tumugmang DNA sample na nakuha kay Llenes at sa biktima gayundin ang psychiatric test sa suspek at ang consistent na lie detector test dito na nagpapatunay na siya nga ang pumatay sa dalagita.
WATCH: Pahayag ni PNP Chief Albayalde kaugnay sa tumugmang ebidensiya sa suspek sa Silawan case. | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/d7THUw8QTv
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 26, 2019