Naghahanap ang pambansang pulisya ng isang daang bagong mga abugado na tutulong sa mga pulis sa kanilang mga kinahaharap na kaso.
Ayon kay Superintendent Arthur Llamas ng PNP Legal Service, mag-iikot sila sa mga law school para makapag recruit ng mga abugadong hindi lalagpas sa 35 ang edad.
Para makahikayat, nag-aalok ang PNP ng 48000 pisong paunang sahod bukod pa sa allowances.
Matapos ang apat na buwang pagsasanay, otomatiko anyang makakukuha ng ranggong Senior Inspector o kapitan ang abugadong papasok sa legal service.
Sa ngayon, 96 lamang ang mga abugado ng PNP legal service sa buong bansa.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal